“Limang Piso”
Isinakay siya ng
dalawang nakaputing lalaki, sa isang sasakyan na may mga naglalarong pula at
bughaw na ilaw. Iniisip niya kung bakit bahagyang wakwak at nakaluwa ang mga
bituka niya sa kaliwang parte ng kanyang tiyan. Ang alam niya nagpunta sila ng
kanyang mga kaibigan sa isang videoke bar, ito ay para makalimutan niya ang isa
nanamang mapait at masaklap na karanasan sa mga mapanghusga at mapanlait na
lipunan. Nakakapitong bote na siya ng alak ng gabing iyon ng makapa niya sa
bulsa ang limang pisong barya, na napulot niya sa jeep habang papunta sila.
Dinukot niya ito, kakanta siya naisip niya, ikakanta niya lahat ng kanyang sama
ng loob. Pinili niya ang kanta na paborito ng kanyang tatay, ang kantang bumawi
sa buhay nito ng magpunta sa kaarawan ng kaibigan. Patapos na sana niya itong
kantahin, ng mapansin niya ang isang lalaking papalapit sa kanya na may hawak
na bote, binasag sa lamesa nila at isinaksak sa kanyang tiyan, at naisaksak pa
ulit bago ito naawat ng kanyang mga kaibigan. Tumulo ang luha niya ng maalala
ulit, para maibsan ang nararamdaman na panibagong hapdi at kirot, kinanta na
lang niya ulit ang kanta na naging dahilan marahil ng pangyayari kanina.
(Pangongong kanta ng My Way!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento