“
Seryoso, Mag-aaral na ako”
Ayaw na
niyang matawag na bobo o tanga, bukas ipapakita niya sa tatay niya na kaya
niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit nila bukas. Pinasya niya na
humiram ng libro sa kanyang ka-eskwela na nagkataon na kalapit bahay din nila.
Magiliw naman siyang pinahiram kaya naman masaya siyang umuwi sa kanila. Doon
taimtim niya itong binasa, pilit inintindi ang mga numero, mga pangalan at iba
pang mga nakasulat dito. Sa kasamaang palad muli nanaman siyang binigo ng
kanyang utak kaya’t malungkot niyang ibinalik ang libro sa kanyang ka-eskwela.
“Kahit anong gawin kong pilit na pag-aralan yan hindi ko talaga maintindihan.”
Malumbay niyang sabi sa ka-eskwela. “Mukhang babagsak nanaman ako sa pagsusulit
natin bukas sa math.” Dugtong niya sabay abot ng hawak na libro. Nanlaki ang
mata at pigil ang tawa ng kanyang ka-eskwela. “Bakit kasi yung telephone
directory namin ang kinuha mo.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento